FREE LESSONS IN SONGWRITING

Dear friends,

Mas marami pa yata ang nakinig dun sa mp3 na “Gary Granada vs GMA
Kapuso” kaysa lahat ng taong bumili ng kanta ko sa buong 30 years ko sa
music industry hehe. Kaya bilang pasasalamat sa inyong suporta, gumawa ako ng
dalawa pang karugtong nun, at para na rin mas liwanagin kung ano ba talaga ang
totoong nangyari.

Songwriting 102: Tungkol sa Isang Salita 4:38
Songwriting 103: Tungkol sa Isang Linya 5:51

As you listen to these recordings, please bear in mind that GMA Network insists
that the only thing I can claim I (and I alone) did was change one word.
Pinalitan lang yung salitang “pagpupursige” ng
“pagpupunyagi”.

Maiikli lang ang mga ito kaya tiyagain nyo nang pakinggan. Palagay ko rin
makakatulong ang mga ito sa mga gustong matutong mag compose. Magandang learning
aid din siguro sa mga klase sa literature, creative writing, music and even
arithmetic. Wala rin po sigurong subject na ganito sa law school, kaya I
dedicate these recordings to all my lawyer friends.

Enjoy!
(at pakipasa na rin pag nag-enjoy nga kayo)

Gary Granada

source

9 Replies to “Gary Granada – Free Lesson In Songwriting part 2”

  1. kung ang isang awitin ay maihahalintulad sa isang "ulam" o "pagkain" kapag si gary granada ang "nagluto" malinamnam na malinamnam. kumpleto ang rekado! haha..

  2. Ang galing ng ginawa nyong lesson sir EDUKASYON sa internet mukhang di yata bagay PAG-AARAL sa internet aba okey ah. Salamat sir.

Comments are closed.